Lunes, Agosto 29, 2016

Pamilyang Pilipino


Resulta ng larawan para sa masayang pamilya clipart



 

                                           MASAYANG PAMILYA

Ang nakasanayan ng gawin ng aking pamilya ay ang sumanba at minsan naman ang magbonding dahil sa tuwing sasamba kami o may pagsamba 
kami ay napapawi ang problema at mga alalahanin namin at nakagawian
na namin iyong kung minsan sumasamba kami tuwing miyerkules at sabado minsan hindi man kami kumpleto ngunit masaya pa rin kami dahil sa ilang oras nakakasama namin ang Diyos at ang isa't-isa.
Ang gusto ko namang mabago ay ang kawalan ng oras
sa isa't-isa naiintindihan ko naman po kung minsan ay hindi sila umuuwi
at walang day-off dahil sa kanilang trabaho at para makapagtapos ako.kawalan sa oras dahil minsan pagdating ng akng Ina ay natutulog na siya at kung hindi man siya matutulog ako naman ang maaabutan niyang natutulog kung kaya't wala na kaming panahon upang makapagkwentuhan at sa isang linggo isang beses lang ang day-off niya at minsan wala kung kaya't sa isang beses na iyon ay napakahalaga na sa akin.

                           
                                          Resulta ng larawan para sa pamilyang pilipino




pamilya



Resulta ng larawan para sa pagsulat


Ano kaya ang aking Akda?

kung ako man ay mabibigyan ng pagkakataon na sumulat ng isang akda
ay aking isusulat ang patungkol sa pamilya dahil gusto kong magkaroon ang bawat Pamilya
ng pagmamahal,pagtutulungan,at pagkakaisa upang mapatatag pa ang kanilang pagsasama-sama dahil isusulat ko ang akdang ito na nakapaloob ang pagsasama ng pamilya at ang kahalagahan ng Pamilya at ito ay makapagbibigay ng inspirasyon sa iba at lalong-lalo
na sa pamilya. 

Resulta ng larawan para sa pamilya clipart

Dahil ang kahalagahan ng Pamilya ito ang pundasyon ng lipunan at dito unang natutunan ang pagmamahal 
at sila rin ang susuporta at sumusuporta sa atin sa lahat ng pagkakataon,maaari natin silang maging kaibigan,
kalaro,kakampi,at kapamilya.dahil ang pamilya ito ang unang-una na dapat na magtulungan,magmahalan,
at magkaisa.paano tatatag ang pamilya kung walang komunikasyon o pag-uusap at pagmamahalan ang bawat kasapi ang pamilya.kung kaya't kung ako man ay mabibigyan ng pagkakataon hindi ko sasayangin 
ang pagkakataong ito bagkus ay gagamitin ko ito upang maihayag ko ang aking opinyon at hangarin sa bawat Pamilya at tungo sa matatag na pamilya 
                     

                     Resulta ng larawan para sa pilipinas                               
kung ikaw ay isang lider ng isang bayan ano ang gagawin mo upang mapaunlad ang bayan?         

upang ako maging isang masasabing magaling na lider hindi ako gagawa ng ikakasama  
ng lahat kundi gagawa ako ng paraan upang mapaunlad ko ang aking bayan.gagawa ako ng mga
hakbang o plano upang sa ikakaunlad ng aking bayan at sa akin mga nasasakupan.
Gagawa ako ng mga programa tungo sa pag-unlad ng ating bayan,maaari kong gamitin ang
social sites upang tulungan o malaman ng mga nasasakupan  o ng mga mamamayan upang 
makatulong din sila sa pagpapaunlad ng bayan.hindi din ako kukuha ng pera ng pamahalaan,bagkus
dapat isaalng-alang natin ang ikauunlad ng ating bayan,at ipatitigil ko ang maraming pagpapatayo ng mga 
imprastraktura sa mga maaaring mga pataniman dahil sa pagdating ng panahon magkukulang at mauubos rin ang ating mga likas na yaman.at bilang isang lider gagampanan ko nang maayos ang aking mga responsibilidad at ang aking tungkulin ay aking tutupdin

Lunes, Agosto 22, 2016

JOURNAL # 2







ano ang reaksyon sa isinagawang Earthquake Drill ?

       ang naging tugon o pansin ko sa isinagawang earthquake drill ay mayroong mangilan-ngilang mga estudyante na ipinagwawalang-bahala nila ang isinagawang paghahanda.at para sa akin,ang earthquake drill ay makakatulong ito upang maging handa tayo kung magkaroon man ng mga kalamidad o sakuna.maari natin itong gamitin hindi lamang sa lindol kundi sa mga iba't-ibang sakuna.hindi medyo naging maayos at mapayapa ang earthquake drill ay mayroon naman kaming mga natutunan at nalaman kung ano ang gagawin kung sakaling dumating ang mga kalamidad.naging pansin ko din na ang mga ibang estudyante ay tumatakbo,naghaharutan,yung iba pawang mga naglalakad sa buwan.at marami pang iba gaya nga ng sinabi ko yung mga ibang estudyante ay ipinagwawalang-bahala lang nila.hindi man naging matagumpay,maayos,at mapayapa ngunit marami naman kaming natutunan kung dumating man ang mga sakuna o kalamidad.